EULOGY FOR CORY

SPEECH DELIVERED DURING THE NECROLOGICAL SERVICE OF FORMER PRESIDENT CORAZON C. AQUINO, AUGUST 4, 2009, MANILA CATHEDRAL, INTRAMUROS, MANILA

Pangulong Cory, sa iyong paglisan, wala na akong masasandigan, at mahihingan ng payo tuwing ako’y inaabot ng agam-agam.

Mami-miss ko po ang pagtawag niyo sa akin na one of my favorite mayors.

Maraming pagkakataon na dapat kayong pasalamatan, Pangulong Cory. Dinamayan ninyo ako nang ako ay suspindihin dahil sa aking paninindigan. Laking tuwa ko nang dumating kayo at nagpahayag ng inyong taos-pusong suporta.

Ipinakita ninyo ang tunay at tapat na paglilingkod sa simpleng paraan. Tulad na lang noong inagurasyon ni dating pangulong Fidel Ramos. Mag-isa kayong bumaba nang walang bodyguard at walang kasama. Dali-dali ko kayong inalalayan at tumingin kayo sa akin at ngumiti. Nabanaag ko sa inyong mukha ang tagumpay na nagkaroon ng matahimik na pagsalin ng pamamahala.

Maraming salamat, Pangulong Cory. Nang natapos na ang inyong panunungkulan bilang pangulo, tuloy pa rin kayong namuno sa mga panahong nanganib ang katotohanan at demokrasya. Ang inyong tinig ang aming sandigan, ang inyong katapangan ang aming lakas, ang inyong prinsipyo ang aming naging haligi ng pagiging isang bansa.

President Cory is a great moral leader…. One that leads by example, with humility and with great love and purity of intentions. She had a purpose to fulfil, and fulfil it she did, according to the Lord’s will. Now she is leaving us, likewise, in accordance with God’s will and purpose. She held on as long as she could, believing up to her last breath that the Filipino is worth living for.

But more than a courageous moral leader, she was to me a very close and dear personal friend.

Pangulong Cory, paalam at salamat sa biyaya ng demokrasya na umusbong sa iyong pamamahala, sa pagbahagi ng iyong oras, ng iyong buhay, ng iyong puso sa aming lahat.

Baunin po ninyo ang aking pagmamahal, ang pasasalamat bilang isang Jojo Binay na inyong ginabayan sa pamahalaan. Baunin po ninyo ang aming pasasalamat bilang isang bansa sa inyong pagiging ilaw ng bawa’t tahanang Pilipino.

Pangulong Cory, umasa po kayo na ang naibalik ninyong katarungan at demokrasya ay aming pangangalagaan at patuloy na ipaglalaban.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: